Free Web Hosting Provider - Web Hosting - E-commerce - High Speed Internet - Free Web Page
Search the Web

dreams angst poetry
about suicidehere
       
 

 

 

Paano Magmahal ng Boobita

Babae. Pihikan talaga ako pagdating sa pagpili sa babae. Ayoko kay Cinderella. Lalo namang hindi ko trip maging syota si Snow White. Bad shot ako sa kwento ni Maria Clara. Lalong ayoko kay Minnie Mouse. Hindi sa pyudal ang pagtingin ko sa ganitong sistema, dangan nga lamang kasi ay babae na ang pinag – uusapan. Kunbaga sa panitikan, isang malalim na salita na ang babae sa akin.MORE

 

 

The Cubist

I am a writer. I am a cubist.

Cubism is my Literature. In a blank sheet of paper, I paint a metaphor—objects, colors, and ideas are cube-like, like a geometrical form written in an empty canvas. To write is to feel the sexual urge created in dull colors. MORE

 

 

F.

Madalas ko siyang makitang nag – iisa, nakaupo sa isang sulok ng aming silid – aralan, nakatunghay ng malalim ang kanyang mga mata sa kalayuan na waring may inaaninag, wala sa sarili. Minsan ay nahuhuli ko siyang parang may ibinubulkong sa hangin at makikita ko na lamang ang kanyang mukhang nagbabago ng ekspresyon—MORE

 

 

Dalawang yugto sa mga bling-bling at burloloy na pag-ibig ni Wan-to fly*

Mahirap daw ipaliwanag kung ano ang Pag-ibig. Emosyon raw ang nagdidikta hindi ang isipan. Hindi matematika at hindi din lohika. Mga simpleng banat lamang ng puso ang tanging kumokontrol at kumukurot sa dibdib ng taong tuliro sa bintana ng pag-ibig. Marahil kung susubukan mong bigyan ng depinisyon, para kang nakikipagniig sa eternidad na dala ng Kamasutra. Marami kang posisyon na matututunan. Maraming depenisyon na pwede mong ipakahulugan. Maraming kahulugan, maraming posisyon.MORE

 

Si Tig-Ong

Tagpuan at panahon: Sa isang bartolina sa Fort Bonifacio—madilim na kung saan ang munting liwanag ay nagmumula lamang sa maliit na bintana sa gawing kanan nila—ay may dalawang estranghero. Nakaupo ang isa, bumubulong at tipong balisa, pinag – papawisan. Ang isa ay nakatayo, hindi mapakali. Parehong kakikitaan ng mga pasa sa katawan.

Panahon ng Martial Law.MORE

 

 

Death and Nostalgia

Is Past the antiquity of consciousness?

What will you do when you realized that everything—love, sex, bookz, and even Angel Locsin—would someday cease to exist in your world; without you to experience the grandiosity of Life. Will you still contemplate Life with the music of Norah Jones, David Bowie, Tori Amos, Beetlez, and Eraserheads as a requiem or an opera of your happy day, happy thoughts life? Will you run naked and pray to God, trust the divine providence as the last result for being hopeless and being the solitary animal in this neither benign nor hostile universe?MORE

 

 

‘Yellow Submarine’

Sa terrace, tanaw ang Taft—nagmamadali, hindi namamansin, walang agam-agam na niyayakap ang batas ng Kalikasan, walang katiyakan. Maingay ang Taft, walang pag-aalinlangang sinusunod nito ang bawat hinagpis ng pagkakataon. Katulad ng isang bata,wala siyang saplot na naglalaro sa ambon ng ulan, ay marami siyang pangarap, nagbabahay-bahayan kasama ang tila mga laruang jeep (beep beep), fx, bus, at hinihilang tren ng LRT, gawa sa lata ng sardinas at tsinelas.MORE

 

 

Itim ang damdamin ng libog

Malate. Ang aking labi'y mayuming humahalik sa kanyang kahubdan, aglalakbay iyon sa kanyahg kagandahan. Parang hanging 'rumahaplos sa isang dahong makahiya, tumitiklop sa mga halik na mapupusok, nagdadala ng imahinasyon sa silakbo ng aming katawan. Walang katapusan,,walang kapaguran, naghahanap ng landas, ng lagusan, sa init na nadarama.MORE
 

 

1000 km Conversation

We call it 'The1000 km conversation'. Derived from my assumption that a mile is equals to 1000 km (actually the correct conversion is 1 mile = 1.6km), one January night upon escorting Eowyn to her work at TeleTech’s cubbyhole. Teletech’s corporate bunker has their office along the not-so-distant future Mall of Asia, on Magsaysay Avenue. Every night, between 10:30 to 11:00 pm, we walked along EDSA (corner Quezon Blvd.) to Magsaysay Avenue, since PUV’s never bother to encircle Henry Sy’s epitome of progress on the wee hours of the evening.MORE

 

 

Ang Notebook ni Istakel

(Isang pagbabalik-tanaw pagkatapos kong basahin ang The Unbearable Lightness of Being ni Milan Kundera.)

Panimula

Paumanhin, sa iyo, kung ang aking mga akda’y hindi talagang sadyang tinimpla para magbigay ng inspirasyon (metapisikal man o éklat lang, alam ko sinasamba rin nito ang musa ng literatura at indibidwalismo), sa katotohanang mas masarap makipagtalik kapag ikaw’y nakatayo o kung ikaw’y ay nasa ibabaw at nangangawit na, gayun din, walang pinakamasarap damhin sa larangan ng Buhay kundi ang sariling kalungkutan—at unawain ito.MORE
 

 

Puwang sa anino ng kahapon

Ang lahat ay nakapinid sa alaala.

Magdadalawang oras na akong naghihintay ay wala pa rin siya. Alas tres ang usapan namin, ngayon ay magtatakipsilim na. Nakakainip. Nabuburo na ako sa mga taong dumaraan sa aking paligid—umiikot, pabalik – balik sa aking isipan. Nakakabato. Ang patuloy na daloy ng tao’y nakapagdaragdag sa inip ko. Napakakitid ang daan na iniikutan ng tao, naisip ko. Para akong maduduwal.MORE

 

 

Dedi

Maria Lorena Kafka David. Baby, huwag kang magtaka kung kakaiba at medyo mahaba ang pangalan mo. Maraming simbolo at metapora ang nakakabit sa iyong pangalan—iyon ang gusto namin ng tatay mo, ang idugtong ang magkaibang mundo namin sa panahong pareho kaming ligaw na alitaptap sa dilim. Huwag kang mag – alala. Balang – araw maiintindihan mo rin.MORE

 

 
   
   
 
 

 

home dreams angst poetry about suicideHere
 
 
Copyright© 2005. suicideHere v1. All Rights Reserved.