Paano Magmahal ng Boobita
Babae. Pihikan talaga ako pagdating sa pagpili sa babae. Ayoko
kay Cinderella. Lalo namang hindi ko trip maging syota si Snow
White. Bad shot ako sa kwento ni Maria Clara. Lalong ayoko kay
Minnie Mouse. Hindi sa pyudal ang pagtingin ko sa ganitong sistema,
dangan nga lamang kasi ay babae na ang pinag – uusapan.
Kunbaga sa panitikan, isang malalim na salita na ang babae sa
akin. Isa pa, ang babae ay malayong malayo sa mga nakikita natin
sa Videoke nina Mang Procopio. Bad shot, ‘un tol! Ang hirap
naman kasi, lumalaki na ang ulo natin sa ala-sisig na kanta ng
MYMP, sa mala-kamoteng hilaw na kwento nina Mark at Jennylyn,
at ng utak ipis na konsepto ng napapanood nating mga Music Video.
Parang gusto kong manapak. Punyeta naman kasing mga reality TV
na ‘yan eh. Ikinukulong tayo sa isang kahon, sa isang idiot
box. Kaya tuloy tayong mga lalake wala nang mahanap na matinong
babae. Paano ka naman magkaka-gusto sa babaeng walang ibang gustong
panoorin kundi ang tambalang pelikula nina Richard Gutierez at
Angel Locsin. Syet! Tol, pwede bang manapak ng babae? Isang beses
lang. Malay mo, magising sila sa katotohanan na ang realidad
ay higit sa mga sabong pampaganda. Gusto kong isigaw sa kanila
na ang buhay nila’y hindi nagtatapos sa pagbili ng napkin.
Minsan nga, ‘tol, sa aking pag-iisa nangangarap ako ng
isang Gabriela, o ng isang Frida Kahlo, o ng isang Simone de
Bouvoir, o isang Virginia Woolf. Astig dib a? Ang angas ko siguro
nun kung magkaka-syota ako ng ganung klaseng babae. Isang babaeng
kupal kong mag-isip. Iyon bang sinasabi sa ‘yo harap -
harapan na etits lang ang kaya nating maipagmalaki. Masarap sigurong
kainuman sa ibabaw ng kama yun.
Syet, talaga ‘tol. Babarilin ko talaga ang taong naka-imbento
ng Starstruck at SCQ. Mga star search kuno na walang ibang ibandila
kundi mga kabobohan nila. Hindi ba pwedeng maging fashionable
ang pag-iisip natin paminsan - minsan? Isang beses lang pwede.
Kalimutan muna natin sina Piolo Pascual, Dither Ocampo, Jericho
Rosales, Brad Pitt, Tom Cruise, at Jude Law. Pwede ba pag –usapan
naman natin sina Franacis Ford Coppola, Umberto Eco, Eric Drexler,
o si Socrates. Tsk. Sinong babae ang mayayaya mong makipag-one-nigh-stand
at ang pag-uusapan niyo lang sa boung magdamag ay ang moral implications
ng pelikulang “A Clockwork Orange”? Ah,
ano ba. ‘Tol sabihin mo nang kasapi ako sa Losers Club.
Syet, sambitin mo nang hopeless romantic ako, ‘tol, pero
hindi mo maitatangging malaki ang pagtingin ko sa mga babae.
Ano? Misogynist? Ha, ha, ha. Sexist lang siguro ako. ‘tol,
hindi galit sa babae.
O ano ‘tol, masyado na ba akong ma-drama? Sana nga manhid
na lamang ako para kahit paano hindi ako masyadong nag-iinarte
pagdating sa babae. Sigh. Saan na nga ba ako? Ah, iyon nga. Babae.
Alam mo bang bad trip ako sa pelikulang Before Sunset?
Paano ba naman eh, pinaiyak ako. Di ba ang galing ni Julie Delpy
dun? Astig yung conversation nila ni Ethan Hawke, feeling ko
nga inlab na ako kay Delpy eh! Ano! Malamya ang plot ng kwento?
Ok, pero ang galing naman ng delivery ng bawat conversation nila.
Ang lupit. Intellectual masturbation, ika nga, na hinaluan ng
sexual tension. ‘Tol hindi mo ba naramdaman un. Sigh. Naaalala
ko tuloy si Boobita. Nakakaiyak. Gusto kong gumawa ng tula, tapos
isasabit ko ito sa napakalungkot na mukha ng langit, tapos sa
harap ng bahay ng mahal ko, haharanain ko siya, kakantahan ng
kundiman, para classic ika nga. Ang sarap nun di ba? Ang pag-ibig
na sinungkit mo sa mala-melodramang paghaharana. Pero, tsk, paano
kung ang minamahal mo ay isa pa lang boobita? Mararamdaman din
ba niya ang isang damdaming parang panaginip na sumasampal sa
iyo, kumukurot sa puso mo?
Boobita? Paano ko nasabing boobita ‘yun? Simple lang ‘tol.
Boobita: Maganda. Boba. Maganda. Walang utak. Ha, ha, ha. Parang
mukhang Kristine Hermosa. Parang kutis Angel Locsin. Parang ngiting
Hart Evangelista. Parang…parang yung mga modelo sa komersyal
na White Castle. O bat ka natatawa? Ito ang nakaka-bad
trip eh. Ito ang dilemma ng pagiging lalake. Bakit ba walang
magandang babae na matalino. Iyong seksi na matalino. Iyon bang
malaki ang hinaharap tapos saksakan ng pagka-arogante dahil maangas
mag-isip. Syet! Hindi ba ang sarap nun? Pero malas. Hindi pwedeng
package deal. Maganda nga pero saksakan naman ng boring kung
kasama. Walang ibang alam kundi ang mag-teks at padalhan ka ng
sangkatutak na mga quotes sa inbox mo. Walang ibang alam na sambitin
kundi “Wer U na?”, San na U?” Walang maipagmamalaki
kundi ‘yung purse nilang walang ibang laman kundi lipstick,
mascara, foundation, at ang once a month na attendance nilang
napkin (with wings). Alam mo bang Matagal ko nang pangarap ang
makakita ng isang libro sa loob ng purse ng babae. Fetish ko ‘yun
tol eh. Masarap sa pakiramdam.
Ano? Ahh…si boobita. Iyon, astig ang ganda nun ‘tol,
kamukha ni Gloria Romero nung kabataan niya. Maamo ang tila hugis
puso nitong mukha, chinita ang mga mata na laging nakangiti sa
iyo, medyo matangos ang ilong at ang labi nitong kaysarap halikan
sa nipis, parang mga talutot ng bulaklak. Ang sarap niyang titigan
lalo na kapag nakatayo. Maputi (may lahing german kasi). Sa tangkad
nitong 5’ 7” kitang kita ang napakagandang hubog
nito sa katawan. Nagpadagdag pa rito ang mahaba nitongn buhok
na sumasabay sa hangin.
Ewan ko ba kung bakit minahal ko si Boobita. Sabi ko nga, pihikan
ako pagdating sa babae. Maangas mag-isip, ito dati ang requirements
ko. Di bale nang may pagka-schizo basta ba kilala niya si Stanley
Kubrick at pwede niyang sabihin sa akin kung ano nga ba ang tunay
na kahulugan ng ‘star child’ sa “2001 Space
Oddysey”. Minsan nga may nagtanong sa akin kung sino
ang pipiliin ko, si Joyce Jimenez o si Jessica Zafra. Syempre
kahit alam kong naka-tikas kamay itong si junior ko kapag nakikita
ko si Joyce, mas pinili ko si Jessica Zafra. Aanhin mo ang isang
15 – minute orgasm sa piling ng isang magandang babae kung
pagkatapos naman nito’y isang panghabang-buhay na pagdurusa.
Ano ang pag-uusapan niyo sa boung buhay na pagsasama niyo? Sex.
Kama. Sex. Kama. Ganun! Peste, yun tol. Ang pag – ibig
ay hindi nangyayari sa boung magdamag. Minsan kailangan din ng
pulitika, kaunting melodrama, something na meron din kayong mapag-uusapan
pagkatapos ng harutan sa ibabaw ng kama. (Huwag na sigurong Art kasi
napag-usapan na nila Dustin Hoffman at Mrs. Robinson).
Ok, teka. Huwag kang excited. Alam mo namang madaldal ako eh.
Walang love at first sight dito. Law of Causality, ‘tol,
siguro meron pa. Mangyari kasi ay nakasabayan ko siya sa pagsakay
sa MRT. Alas sais ng umaga, sumasakay ako mula Baclaran samantalang
siya ay sa may Ortigas. Ewan ko ‘tol pero isang linggo
un na halos iisang box train ang aming napapasukan. Noong una
nga na-weirdohan ako. Ano ‘to billiard table, sabi ko sa
sarili. May pattern ba na hindi ko nakikita kaya halos araw – araw
ay nakasasabayan ko ang babaeng ito? Nalaman ko na call center
agent pala ang boba at pauwi na siya sa mga oras na iyon. Ako
naman eh galing sa mga ka-grupo ko sa theses mula sa magdamagang
lamayan para sa defense sa susunod na linggo. Lagi niya akong
nginingitian kapag nagkakasalubong ang aming mga mata. Hindi
ko siya pinapansin. Masyado kasi akong abala sa pagmamasid sa
labas na kung saan parang nasa quantum loop ang lahat ng mga
gusali, tao, sasakyan, at mga bahay na nadaraanan ng tren. Pakiramdam
ko tumatakbo ng ang tren ng mas mabilis sa Oras. Para akong bumabalik
sa nakaraan. Naiiwan ang lahat ng inhibisyon ko sa aking sarili.
Huwebes. Pababa na ako ng hagdanan sa may North EDSA nang may
biglang tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako. Siya. Nagtaka ako.
Hanggang ngayon ay suplado pa rin daw ako. Ha? Aysus. Kaklase
daw niya ako sa Philosophy of Man. Ikaw ung magaling
sa retorika, di ba? Iyong pain-in-the-ass ng propesor natin.
Tanong niya sa akin. Teka, teka, teka. Ang tagal na nun ah! Nag-shift
na nga ako. MWF, 5 – 6, ST 216. Sabi niya sa akin. Nakakatawa
nga ‘tol, naaalala niya ako samantalang ako ay wala man
bakas na maaninag sa aking isipan ang kanyang maamong mukha.
Maaaring siya ung babaeng lagig tumatabi sa akin. Iyong nangungulit.
Iyong dahil sa lapit ng aming mga katawan ay hindi maiwasang
magdampi ang aming mga siko. Pero teka. Iyong samyo na gamit
niyang pabango na lamang ang naaalala ko sa kanya. Lumilipad
pa nga rin ako sa ere kapag naaalala ko ang pabangong iyon. Weird!
Iyon nga. Bago kami magkahiwalay kinuha niya ang number ko,
e-mail add, pati nga Friendster ko hindi pinatawad. Kinagabihan
nag-teks sa akin. Pero dismayado ako. Puro mga forward quotes.
Bad shot pa naman ako sa mga ganoong mga teks. Gusto mong makita?
Nakatago syempre. Alaala kahit masakit. Heto:
<callcenterbabe> Mahirap buhay ng
babae
Umga-laba damit
Tnghali-sampay
Damit.
Hpon-tiklop damit
Gbi-plantsa damit
Htinggbi-hubad damit
Mdaling arw-hanap damit.
Tapos nung hindi ako sumasagot, nag-teks ulit. Tinatanong ko
ano ang ginagawa ko. Syempre pretentious effect ako. Sinabi ko
na nanood ako ng “In the Mood for Love” kahit
ang totoo ay kasalukuyan kong pinagsasamantalahan si Maureene
Larrazabal sa mga kuha nito sa FHM. Teks ulit siya. Forward quotes
na naman. Hindi ko pinansin. Nainip, nagteks ulit; tinatanong
kung busy ba ako next week. Oo, sabi ko. Nag-reply, tinatanong
kong pwede ko raw ba siyang samahang mag-shopping. Negative.
Ito ang ayoko sa babae, ang samahan siya sa kanyang hangin sa
utak. Wala akong pasensya sa paglalakad. Ako pa naman eh pag
nagpunta sa mall may bibilhin lang tapos uwi, kung may magandang
palabas, papasok sa sinehan kahit mag-isa lang. ‘Tol ang
babae kapag nag-mall eh kulang pa ang binigay ni Sy na oras.
Pati ‘ata pagbili ng napkin eh sampung oras sila sa pamimili.
Noong una hndi ko maintindihan sa kanya kung bakit panay ang
epal niya sa buhay ko. Aaminin ko ‘tol, pinatatahimik niya
ang magulo kong buhay. Ewan talaga. Alam ko marami siyang manliligaw.
Sa lupit ba naman ng katawan nun. Talaga nga namang sasambahin
mo siya. Masarap din naman siyang kasama. Iyon nga lamang ay
may mga bagay na hindi ko masakyan sa kanya. Tulad nung niyaya
kong manood ng “Batang West Side” sa Greenbelt.
Eh di nung una, tuwang-tuwa ako kasi pumayag. Pero syet! Hindi
niya matagalan ang exposition sa pelikula. Nagrerelakmo. Bakit
daw hindi ko sinabing limang oras na mahigit ang pelikula. Ang
ingay. Muntik ko nang sapakin. Hayun, lumabas na lang kami. Bad
shot talaga. Heto pa. Isang araw ay sinundo ko siya mula sa kanyang
trabaho. Niyaya niya akong mag-starbucks. Hindi ako pumayag.
Sabi ko uuwi na lang ako. Mahirap talaga kapag kasapi ka ng “amoy
kape society”. Iisa ang inyong panlasa, iisang kultura,
iisang mekanismo ang utak. Sabagay wala naman kasing social interaction
kundi mga ka-trabaho, kung hindi kape ang kinakausap ay mga amerikano.
Paano mo ba mamahalin ang babaeng kasalukuyang pinapanday ng
mga kabobohan sa Hollywood, sa midya, at mga reality TV. ‘Tol
hindi ka ba nagtataka kung bakit mas maganda ang syota ng isang
basketbolista kaysa sa isang manunulat. Sigh. ‘Tol, revolutionize
the system. At para maisakatuparan ito dapat magsisimula ito
sa hanay ng mga babae.
Oo ‘eto na, itutuloy ko na ang kwento. Tatlong taon.
Tawag, pamorningan. Pasyal. Nood ng sine. Kain sa McDowalds.
E-mail. Pero kailanman ay hindi naging kami. Basted!? Ugok, hinde
no! Hindi ko naman kasi siya niligawan kahit alam ko na sa sarili
ko na mahal ko siya. At kahit hindi niya sabihin sa akin ay ganoon
din naman ang nararamdaman niya para sa akin. Takot? Hindi eh.
Siguro mas komportable lang kami sa ganung sitwasyon. Iyon bang
para ka lang nagsusulat ng kwento. Sa una, puro blanko hanggang
sa hindi mo na namamalayan marami ka na palang naisusulat. May
conflict. May plot na kahit alam mong magulo ay tinatanggap mo.
Minsan pa nga may mga matayutay na salita, nagpapadagdag sa isang
damdamin na nais mong yakapin at ipadama. Hindi ko na nga namalayan
na marami na pala kaming napagsamahan. Away. Bati. Masaya. Malungkot.
Kwentuhan magdamagan. Ni hindi ko na nga napansin na marami na
palang nagbago. Hindi na siya ung babaeng palaging umiiyak sa
isang sulok. Hindi na siya ung babaeng adik sa mga reality TV.
Sa wakas ay naintindihan niya rin na ang mga palabas na mga Japanese
horror flicks ay mga surplus na parang mga basurang ibinabagsak
sa ating bansa.
Heto ‘tol, ung journal ko, simulat ko pa ‘yan mula
sa mga tissue paper ng Mcdowalds. Pagtiyagaan mo na lang na intindihin,
medyo Malabo na ung iba eh.
- Sa bawat date, “monthsary”, anniversary nyo ay
bigyan mo siya ng tatlong chuckie. Ang isa ay para
sa iyo. Pero huwag kang hihingi. Hayaan mo siya ang magbigay
ng tsokolate sa iyo.
- Huwag na huwag kang magbibigay ng testimonial sa kanyang
friendster.
- Huwag kang magpapadala ng forward quotes (lalo na ang mga
jokes) sa mobile phone niya. Huwag kang epal, mag-isip ka.
Kilitiin mo ang puso niya sa pamamagitan ng mga makukulit na
ala-ala ng mga pelikulang napanood mo.
- Huwag na huwag mo siyang paiiyakin kapag nanonoud siya ng
kampanerang kuba. Sa halip ay sabihin mo sa kanyang ang ganung
mga palabas ay may social relevance.
- Magbasa ka ng libro kasama siya sa MRT. Mula EDSA-Taft hanggang
North EDSA ipaliwanag mo sa kanyang ang panitikan ay hindi
nagtatapos sa kwento ng Da Vinci Code at Angels and Demons
na gaya ng nakikita niyo kapag sumasakay kayo ng MRT.
- Yayain mo siyang mag-motel sa unang anniversary niyo. Engot
hindi un! Ipakita mo sa kanyang hindi lahat ng pumapasyal sa “private
room” ay ibig pumasok sa pintuan ng langit. Magdala ka
ng spaceship. Tapos simulan mo ang kwento sa tula ni Emily
Dickenson na pinamagatang “There’s no Frigate
like a book”.
- Huwag na huwag mong bibitbitin ang kanyang handy bag. Ipinapakita
mo lamang na mahina siyang babae.
- Kapag nagtanong kung bakit hindi ka papasok sa call center
pagka-graduate mo, sabihin mo sa kanyang mag-aaply kang ‘Billy
bibit’ (taong taga-bitbit), cameraman, utility man, cable
man, sa isang indie film production.
- Sa buong pagsasama niyo ay huwag na huwag mong sasambitin
ang mga katagang “Mahal kita”, “5254”, “I
Love You”, “14344”, “Cupcake”, “Babe”, “Cheese
cake”. Baka sampalin ka nun. Hindi naman kasi siya manhid.
Dala-dala na niya ang isang damdamin, kailangan mo lamang maramdaman
sa pamamagitan ng kanyang mga luha.
- Ang pinakahuli at ang pinakamasakit sa lahat. Huwag kang
iiyak pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa kanya ay iiwan ka
niya. Kapag umalis siya sa buhay mo , huwag mong sabihing “Paalam”, “Goodbye”, “Hikbi”.
Sa halip ay ngayon mo sambitin sa kauna-unahang pagkakataon
ang “Mahal kita”.
Umiiyak? Sino? Ugok! Ano ka, kita mong humihikab lang ang tao
eh. Huwag kang magulo itutuloy ko na ang kwento. Isang araw pagkatapos
naming manood ng sine, magkaharap sa mesa sa isang fastfood,
dinig ang boses ni Sarah Geronimo na parang soundtrack, sinabi
niyang aalis siya sa bansa upang magtrabaho bilang dancer sa
Japan. Hindi na ako nabigla, noon pa man kasi ay sinabi na niya
sa akin ito. Pakiramdam ko isang Korean telenobela ang bawat
eksena. Nakatitig lamang siya sa akin. Naghihintay ng sagot.
Bigyan mo ako ng dahilan para hindi ako umalis, sabi niya. Alam
ko ‘tol sa tanong niyang iyon, binibigyan niya ng pagkakataon
ang isang damdamin na hindi namin kayang aminin sa isa’t-isa.
Katahimikan. Buntunghininga. Kahit masakit, itinago ko ang puso
ko sa pamamagitan ng idinidikta ng isip ko. Balang-araw matutupad
din ang pangarap mo. Malay mo nasa ibang bansa pala ang hinahanap
mong kaligayahan at…kaginhawaan, iyon ang sabi ko sa kanya.
Syet talaga ‘tol, hindi iyon ang dinidikta ng puso ko pero
wala eh, hanggang angas lang ako, hanggang pagbibigay lang ng
ideya, ng konsepto, ng inspirasyon. Hindi ko maibigay sa kanya
ang gusto niya? Ano bang gusto niya? Ano pa eh di security. Ng
assurance. ‘Tol ano nga bang assurance ang kayang ibigay
ng pagmamahal?
Naalala ko pa nga ang sinabi niya bago kami nagkahiwalay. Sabi
niya: Alam kong walang katiyakan ang ating buhay. Itinali ko
na ang diwa ko sayo, mapunta man ang katawan ko sa iba, nasa
iyo ang aking diwa at kamalayan. Isang kalayaan ang sabihin ito
sa iyo ng walang sarcasm o irony. Hinalikan ko siya sa labi,
masuyo. At sa kauna-unahang pagkakataon sinabi ko sa kanya ang
katagang “Mahal kita”. ‘Tol sa totoo lang doon
lang naging malinaw sa akin ang alaala ng babae at ang kanyang
pabango.
|
|