Itim ang damdamin ng libog
Malate. Ang aking labi'y mayuming humahalik sa kanyang kahubdan,
aglalakbay iyon sa kanyahg kagandahan. Parang hanging 'rumahaplos
sa isang dahong makahiya, tumitiklop sa mga halik na mapupusok,
nagdadala ng imahinasyon sa silakbo ng aming katawan. Walang
katapusan,,walang kapaguran, naghahanap ng landas, ng lagusan,
sa init na nadarama. At sa isang iglap, parang isang paghihimagsik
ang lahat-isang pagtakas-sa bawat kagat ng aming mga labi'y nagpapahiwatig
iyon ng sakit na gustong kumawala sa nakatagong kalungkutan,
naglalakbay, naghahanap ng landas, upang sa isang saglit ay muling
maramdaman ang hinahanap na kalayaan. Muli ay naramdaman ko ang
kanyang mga daing, malungkot ngunit malamyos na tinig, gustong
kumawala sa loob ng kuwartong iyon na parang naghahanap ng kalayaan,
paulit-ulit, parang isang musika na ibinubulong ng langit. Sumasabay
sa sayaw ng aming katawan ang puting kumot, parang isang damdaming
pilit yumayakap sa aming pagniniig, hindi ko man mawatasan, nagbibibigay
iyon ng kakaibang pakiramdam; pilit na tumatakip sa aming katawan,
katawang sumasabay sa malamyos na tugtugin ng mga nympa sa kanilang
harpa. Parang isang palaisipan ang lahat na gusto kong maunawaan
sa aking gunita, sa mga paglalakbay na nag-iisa, habang ang aking
damdamin ay pilit na lumalaban sa isang mayuming kapusukan.
Isang malaking kama ang lipunan. Dito ang lahat ay nakikipagtalik
sa nagkukubling katahimikan ng gabi. Katulad ng gabing ito: walang
pandama, walang emosyon, wala kundi isang marubdub na pagnanais
na maangkin ang iyong katawan, at ang katahimikan. Ganoon naman
hindi, ba? Mananatiling nakatago ang isang damdamin sa napakadilim
na sulok ng iyong isipan, at ang damdaming iyon ang tanging mamumutawi
at mananatiling piping saksi sa pakikipagtalik ko sa Katahimikan,
at sa iyong katawan.
Bakit ka nga ba nandirito?
"Ano 'to, kwento"'
"Marahil ... Hindi ko alam."
"May problema ka ba?"
"Wala. Gusto ko nang mamatay. Problema na ba iyon?"
Gusto ko nang mamatay. Iyon ang sabi ko. Ewan. Hindi ko rin
alam ang dahilan. Malabo. Magulo. Ganoon naman talaga, hindi
nga ba? Nakakasawa na kasing mabuhay. Gago--Alam ko huwag mo
nang ipagsigawan. Siguro nga, isa akong gago. Marahil ako lang
ang gago sa mundo.
"Ewan. Ang gulo mong kausap. Kanina, mula sa kinatatayuan
ko, nakita kong pasulyap-sulyap ka sa akin, akala ko pa naman
ikaw ang kukuha sa akin ngayong gabi."
"Magkano ba?"
"Isang libo."
"Tawad?"
"Walong daan?"
"Pitong daan?"
"Shoot!. Saan?"
"Wala.”
"Anong Wala?'
"Hindi ko alam."
"May alam akong lugar. Tatlong Daan lang."
"Ayoko. Dito ka lang. Kailangan ko lang ng makakausap.
Ng isang taong makakaalam sa gagawin ko."
"Alin ang mamatay? Nagpapatawa ka ba? Kung gusto mong
magpakamatay gawin mo na. May pa-chenes-chenes ka pang sinasabi.
Charot lang 'ata eh! "
"Hindi mo naiintindihan. Gusto kong lokohin ang Tadhana.
Gusto ko siyang pagtawanan, duruin slya sa mukha, tadyakan katulad
ng isang latang walang damdamin, pa,,katapos non saka ako hahalakhak,
pagtatawanan ko ang Buhay, iyong malakas-hangang mabingi ang
Dios."
"Aysus, naloko na, kailangan ko pa yatang basahan ito
ng diyaryo sa kama."
"Ana tawag don, absurdity."
"Isangwalan kwentanc kwento.Nobelista ka ba?Alam mo sa
mga litanya mong iyan mag-iiwan ka lang ng isang palasipan sa
isipan ng isang mambabasa."
"Hindi nga ba? Na hindi dapat maintindihan ng tao ang
Sining sapagkat kung magkakagayon magkakaroon na ito ng kabuluhan."
"Isang palaisipan?"
"Palasipan? Ano nga ba ang palaisipan kundi ang kalungkutan
na pilit tinatakasan no mga tao. Isang dula mula kay Kamatayan."
"Gago ka nga."
"Sino?"
"Ikaw ...”
"Siguro."
"Andami mong pasakalye. Halika na. Baka gusto mo dito
pa kita halikan?" "Ayoko. Masyado pang maaga para iwan
ang luoar na ito."
Patlang.
Katahimikan.
'Twedeng magtanong?"
"Ano!"
"Bakit ka nandirito?"
"Tinanong mo na sa akin kanina 'yan. Sinagot ko na."
"Ganoon ba? Hindi ko kasi maintincliban ... T'
"Maintindihan ang alin?"
"Kung bakit ako nandirito. Habang pinagmamasdan ko kayo:
ang mga tao, ang Malate, may nais akong maintindihan. Ang Simbahan
sa kanyang mala kolonyal na pagbabata. sa maraming taon ay kailanman
ay hindi nangahas na talikuran ang langit, ni hindi man lang
napagod sa pagtingala at paghingi ng awa sa Dios; ang mga ibat
- ibang gusali na itinayo mula sa pangarap ng lipunan o kanyang
kahangalan ay walang pinagkaiba sa isang batong ginagawang tanggulan
ng tao upang itago niya ang kanyang kahinaan; ang plaza, at ang
tanawin nito, tila ba mga palarnuti sa isang entablado, sa isang
dula; at ang tao - hinahanap ko ang tao sa lugar na ito-ngunit
kailamnan ay hindi ko makita kundi ang aking sariling nakaupo
lamang, kasama ang sigarilyong pumapatay sa aking baga. Wala
akong makita kundi mga laruang umiikot sa aking isipan, mga nakakulong
sa isang kahonsa isang napaka-komplikadong sistema ng napaka-ilohikal
at di mauunawaang pagkakataon. Hindi makatakas ano man ang pagnanais
na makawala sa isang napakakitid na espasyo. Ang lahat ay naghahanap
ng lagusan, ng isang daan patungo sa hindi naiintindihang mga
pangyayari. Gumagawa ng daan, ng landas upang maabot niya ang
nais na patutunguhan ngunit kailamnan ay hindi niya naiintindihan
kung nasaan siya, kung saan siya nakatayo, kung nasaan nakatapak
ang kanyang mga paa. Kung ito ay isang dula: isang walang kwentang
dula na nilikha mula sa isipan ng isang Dios."
"Pagmasdan mo sila.Mga katulad ko silang puta, sa tingin
mo kaya walang kwenta sa kanila ang mabuhay."
“Hindi ko alam. Marahil iyon ang kanilang tadhana, ang
mabuhay sila sa moralidad ng lipunan."
"Haayy..naku, wala bang ibang tumitigas sa iyo kundi ang
mga ideya
mong nakakulong sa iyong mga utak?"
"Ideya? at Utak? Paano nga pala kung ang lahat ng iyong
nakikita o nararamdaman ay nilikha lamang ng isang Dios mula
sa kanyang malilikot na imahinasyon?" I
"Teka, teka, teka. Mukha ‘atang lumalalim na tayo.
Baka kama hindi ideya?" "Kama at ideya. Anong pinagkaiba
non. 0 meron nga ba?"
"Aba, malay. Ikaw 'tong tanong ng tanong sa akin."
"libahin ko ang tanong. Takot ka bang mamatay?"
"Ano bang klaseng tanong iyan. Siyempre..."
"Siyempre ... ano?"
"Wala. lkaw?"
“Oo.”
"Takot ka palang marnatay bakit kanina ang tigas-tigas
mong sabihin na gusto mo nang mamatay?"
"Ewan. Hindi ko rin alam. Marahil ang takot ko'y katulad
nang ayokong iwan ang lugar na ito."
“Ang sabi mo kanina gusto mong lokohin ang Tadhana, sa
anong dahilan?"
“Dahil kapag nagawa ko iyon maaari kong mabago ang innsip
ng Dios. Isang bagay na walang moralidad, walang masama, o walang
mabuti. Kung ito ay isang dula at nasa isip lamang ako ng Dios,
ayokong isuko ang aking sarili sa Kamatayan qa nabubuhay sa mga
batas na ginagawa ng isang hindi ko makitang nilalang.”
"Nagpapatawa ka ba. Paano rno lolokohin ang Tadhana sa
pamamagitan ng paghihimagsik sa Dios?"
"Marahil ... mula sa napakagandang hubog ng iyong katawan?"
Hindi ba totoo? Ang iyong katawan ay isang kontradiksiyon sa
aking isipan pilit naglalakbay sa aking imahinasyon habang ang
aking sarilli'y niyayakap ang isang damdalnin na kailanman ay
hindi rno maintindihan. Haban.-I pilit kong inaabot ang kasukdulan
nanakawin. ko ang sandali at rnga pagkakataong makasarna ka,
at itatago sa iyong dibdib ang aking kalungkutan. Kahit sa isang
saglit makalimutan ang lahat pati na ang Karnatayan.
Ito ang simula. Sa buong magdamag ay nakipagtalik ako sa iyong
kagandahan. Hinagkan na may lihim ang iyong hubad na katawan,
natatakot na mawala ang kapusukang nadarama, ang damdarning nagsisimulang
habiin sa kariktan ng mapang-akit na gabi.
"Ano 'to?”
Isang tula. Ginawa ko 'yan pagkatapos kitang hindi mabayaran.
Siguro isang walang kawenta - kwentang tula na nagbigay sa akin
ng inspirasyon upang maunawaan ko ang isang bagay. Mga ideyang
naipon sa init na nadararna haban.ang ating katawan ay nagiging
taksil sa Tadhana:
Lumilisan ang imahinasyon, at ang mga katagay
humahalik sa
aking buntunhininga, abot sa tagpuang guhit
ng aking kamalayan ang
bawat ihip ng iyong mga halik-sumusuyo sa malamig
na pandama-tila
alaala ng pag-iisa sa kahapon-
dinadarama ang katahimikan ng aking puso, sa
tibok nitoy binubuklat ang bawatswidah, biwibasa ang mga tugma,
saglit ay may nais mawatasan.
Lumalalim ang bawat mga halik-pikit ang mga
matang nagninilay-nilay su tainis na dulot nito-tila melankolya
ng isipan, yumayakap sa
metapora at talinhaga ng mga salita, Naghihintay
sa muling pagdampi ng mga taludtud-duyan sa pighati.
Humahabi ng tula ang iyong mga halik-walang
emosyon, walang
pandama, naglalakbay, nangangarap, di- alintana
kung lilisan ang mga
ideya sa muling pagdampi ng ating mga pisngi.
Sa labi mong humahalik sa
aking nooy nakikipagtalastasan sa inga ilusyon
at himig sa kudyapi,
sumasaliw sa aking buntunghininga, humihimlay
sa mga misteryo ng buhay at mga kasinungalingan nito.
Nadama ko ang iyong mga halik na bumubulong
sa aking teynga.
Mayuming humahaplos sa hangin ang bawat binibitawang
mga salita. At marahan, naririnig ko ang bawat tugma, humahalik
iyon sa aking pag-iisa. Lumilikha iyon ng sandaling alaala. Niyakap
ko ang sandaling iyon-- marahan, mahigpit. Muli ay niyakap ko
ang kawalan, malaya sa sandaliwalang emosyon, walang nadarama.
Wala kundi ang nagiging taludtud ng kalungkutan.
Iminulat ko ang aking mga mata, Malalim na buntunghininga
ang
aking pinakawalan-sa mga titig moy nadama ko
ang kakaibang
eksistenya-at mahigpit na ibinulong sa hangin
ang mga kataga. Nais
maturol ang dist ansyang nagsisilhing tulay
sa ating nadarama.
Hinawakan ko ang iyong mga kamay, masuyong hinaplos,
hinagkan-nangangarap na sa pamamagitan ay makatalik si Harpocrates
upang don ay itago ang pag-ibig. Ang bawat haplos nito sa kalungkutan.
Nakikipagsapalaran ang aking diwa sa mga ilusyon,
sa mga guni-guni’y unti-unting nabubuo habang ang aking
kamay ay malayang naglalakbay sa iyong kahubdan.
Saglit ay tinitigan ang iyong mga mata-ang kagandahan
na tila
kulay itim na perlas, may bumabalot na hiwaga
sa malamlam na titig nito-naglalarawan. Hinalikan-masup, mahinhin,
marahan. Mayumi. Nais hagkan ang isang sining na nakatago sa
iyong mga mata. Malalim.
Kamatayan.
Ano ang damdamin ng aking kalungkutan?
"Anong ibig sabihin nito?"
"Halos magtatatlong linggo na ang lumipas nang may mangyari
sa atin at iwan mo sa akin ang isang palaisipan. Isang palaisipan
na siyang naging tulay upang maunawaan ko ang isang bagay na
hindi ko mawatasan."
"Maunawaan ang alin?"
"Maunawaan ang isipan ng Diyos."
"Hindi kita maintindihan."
“Minsan kailangang mong tumayo na lang sa isang tabi
at panoorin kung paano ang panahon ay lumilipas nang di mo namamalayan.
Pagkatapos non, bago ka pa makatakas sa isang palaisipan na ginagawa
mo, malalaman mo na nag-iisa ka Pala at ang mundo ay bahagi lamang
ng iyong isipan na nais mong maturol. Ngunit huli na ang lahat.
Hindi mo na pwedeng kalimutan kung ano man ang iyong nakikita
o nadarama sapagkat naikulong mo na ang iyong sarili sa ginagawa
mong palaisipan.”
“Katulad ng kung paano mo maiintindihan ang Kamatayan.
Nakakatakot. Nakakagago. At sa isang iglap maiintindihan mong
isang napakalaking kahangalan lang pala ang mabuhay, ang maniwalang
may pupuntahan ka, ang tanggapin sa sariling may naghihintay
sa iyo sa dako roon. Sapagkat mula sa dilim. Ang lahat ay wala.
Tanging ang katahimikan lamang na pilit nagtatago sa ating magulong
mundo."
"Gusto kong makalaya sa kamay ng Tadhana ngunit para siyang
isang aninong sumusunod sa akin. Sa aking mga panaginip para
siyang isang payasong tumatawa, tumutudya. Hanggang sa dumating
ang pagkakataong ninais ko siyang makaharap, mayakap, katulad
ng pagyakap ko sa iyo sa iyong katawan. Ninais kong magpakatay
dahil mula sa paglalagalag ko'y naintindihan kong sa pamarnaggitan
lamang ng Kamatayan ako makakalaya sa kamay ng Tadhana: ang makalaya
sa isipan ng Dios. Nakakagago. Sa mura kong isip ay may mga tanong
na bindi ko lub6s na maintindinan. Ngunit para akong hangin na
nakakulong sa isang kahon, sa isang napakakitid na espasyo. Hindi
makagalaw, walang kalayaan. Hanggang sa dumating sa buhay ko
na maunawaan ko na ang lahat pala ay walang saysay. Isang walang
kwentang dula na hinahabi ng Dios sa kanyang malilikot na imahinasyon.
Gusto kong takasan ang tadhana at hanapin ang kalayaang ako lamang
ang dapat magdikta; hanapin ang kagandahan ng buhay na walang
moralidad, walang pag-ibig, walang kaligayahan, at maaring walang
Dios. Sa aking paghahanap naiwan sa akin ang matinding galit,
ang poot na nadarama. Sa tuwina gusto kong isigaw kong paanong
ang bawat isa ay nagiging tanga sa kani-kanilang mga sarili.
Kung paano ang tao ay isang napakalaking hangal na tumatayo sa
kanyang mga pangarap, lumiligaya, tumatawa, nalulungkot, at sumasamba
sa mga Dios."
"Kaya ka ba nagbalik dito upang sabihing bukas o makalawa
ay kaya munang lokohin ang Tadhana?"
Mula sa kapusukan ng iyong labi, sa mga mata mong kaakit -
akit, at ang katawan na ang alindog nito'y walang kaparis katulad
ng mga kataga sa aking tula ay walang kahulugan kundi isang pagnanasa
lamang-katulad ng aking pagnanasang lokohin ang Tadhana. Minsan
naitanong ko sa iyo kung bakit ka nandirito. Bakit nga ba tayo
nandirito sa mundong ito. Ang buhay sa kawalang saysay nito.
Wala sapagkat hindi natin kayang bigyan ng rason kung bakit tayo
nandirito at nananatili sa kanyang palaisipan. Isang kabaliwan
sa napakailohikal na pagkakataon. Ang mawatasan ang isang bagay
ay ang pagka-alipin sa kanyang palaisipan. Ngunit kung ang pagka-alipin
sa isang palaisipan ay ang paglaya sa malilikot na imahinasyon
ng Dios, marahil haharap ako --- sa puntod mo. Sapagkat hindi
ako nagbalik upang muling makapagtalik sa iyo at muling sabihin
sa iyong gusto ko nang mamatay. Nagbalik ako upang pagtawanan
ang Tadhana, tawanan siva, tadyakan katulad ng isang latang walang
damdamin, at pagtawanan ang Buhay sa harap ng iyong bangkay,
dito sa duguang kamang ginawa nating tanggulan ng ating kalungkutan—baka
sakaling, makalaya ako sa isipan ng Dios, makatakas sa tadhanang
pinigtal ng aking kapusukan, kasama ng luha kong unti-unting
pumapatak at yumayakap sa duguang laruan. |